Umabot sa higit 21,000 ang kabuuang bilang ng namatay matapos ang 7.8 magnitude na lindol na yumanig sa Türkiye at Syria.

Kinunmpirma rin ng Philippine Embassy sa Türkiye na dalawang Pilipino ang namatay sa nangyaring malakas na lindol.

Ayon sa datos ng mga opisyal sa mga nasabing bansa, 17,674 ang nasawi sa Türkiye habang nasa 3,377 naman sa Syria.

Marami pa rin ang patuloy na pinaghahanap ngayon sa mga gumuhong gusali.

- OIL SPILL SA BATANGAS, PATULOY ANG CLEAN-UP NG PCG
- SRP NG SIBUYAS, HINDI NASUSUNOD